跳到主要內容
2025年立法會換屆選舉 - 主頁

Gabay sa Halalan

Gabay

  • Sa ilalim ng Saligang Batas, ang Batasang Konseho (“LegCo”) ay ang Batasan ng Espesyal na Administratibong Lungsod ng Hong Kong (“HKSAR”). Ang mga tungkulin nito ay ang magpatupad, baguhin o magpawalang-bisa ng mga batas; aprubahan ang pagbubuwis at pampublikong gastusin; at maglahad ng mga katanungan sa mga gawain ng Pamahalaan; pati na rin ang pagtanggap at paghawak ng mga reklamo mula sa mga residente ng Hong Kong. Itinatakda ng Annex II sa Saligang Batas na ang LegCo ng HKSAR ay bubuuin ng 90 Miyembrong inihalal ng Komite ng Halalan (“EC”) (40 Miyembro), konstituwensya ng magkakaibang industriya (“mga FC”) (30 Miyembro) at heograpikal na konstituwensya (“mga GC”) (20 Miyembro) sa pamamagitan ng direktang halalan.
  • Alinsunod sa Ordinansa ng Batasang Konseho (Cap. 542), upang maisagawa ang halalan para sa ikawalong termino ng Batasang Konseho, itinalaga ng Punong Tagapamahala ang ika-24 ng Oktubre 2025 bilang petsa kung kailan magtatapos ang sesyon ng ikapitong termino ng Batasang Konseho, at sa gayon ay magtatapos ang operasyon nito.

Panahon ng Nominasyon

  • Panahon ng Nominasyon: Ika-24 ng Oktubre 2025 (Biyernes) hanggang ika-6 ng Nobyembre 2025 (Huwebes)

Kaayusan ng Botohan

  • Araw ng botohan: Ika-7 ng Disyembre 2025 (Linggo)
  • Mga oras ng botohan: 8:30 a.m. hanggang 10:30 p.m. (maliban sa mga nakatalagang istasyon ng botohan sa mga bilangguan kung saan ang mga oras ng botohan ay mula 9:00 a.m. hanggang 4:00 p.m.)
  • Ang tinatayang oras ng pagpila ay ibibigay sa labas ng mga istasyon ng botohan at sa nakalaang websayt ng halalan na ito para sa Pangkalahatang Halalan ng Batasang Konseho sa araw ng botohan upang mabigyang-daan ang mga botante na pumiling bumoto sa oras na may mas kaunting tao.

Sino ang Maaaring Bumoto

  • Tanging ang mga miyembro na ang mga pangalan ay kasama sa pinaganap na rehistro ng mga miyembro ng Komite sa Halalan ang karapat-dapat na pumili at bumoto sa Konstituwensya ng Komite sa Halalan (“ECC”). Ang rehistro ay inilathala noong ika-17 ng Setyembre 2025
  • Tanging ang mga rehistradong manghahalal na ang mga pangalan ay kasama sa pinakaganap na rehistro ng mga manghahalal para sa mga GC sa 2025 at ang mga rehistradong indibidwal at manghahalal ng korporasyon na ang mga pangalan ay kasama sa pinakaganap na rehistro ng mga manghahalal para sa mga FC sa 2025 ang karapat-dapat na bumoto sa halalan ng GC at/o FC. Ang mga kaugnay na rehistro ay inilathala sa ika-25 ng Setyembre 2025.

Konstituwesya ng Komite ng Halalan

Nominasyon at Kandidatura

  • Lahat ng rehistradong manghahalal ng GC na may edad na 21 o pataas na karaniwang naninirahan sa Hong Kong sa loob ng 3 taon bago ang nominasyon ay maaaring inomina bilang mga kandidato, ibig sabihin, ang mga kandidato ay hindi kailangang maging mga miyembro ng EC.
  • Ang bawat kandidato ay dapat inomina ng hindi bababa sa 10, ngunit hindi hihigit sa 20, na mga miyembro ng EC, kabilang ang hindi bababa sa 2 ngunit hindi hihigit sa 4 na mga miyembro mula sa bawat isa sa 5 mga sektor ng EC.
  • Ang isang miyembro ng EC, sa kanyang kapasidad bilang miyembro ng EC, ay may karapatang pumili lamang ng 1 kandidato para sa isang halalan ng ECC

Botohan

  • Ipinatupad ang sistemang “block vote”. Hindi hihigit sa at hindi bababa sa 40 mga kandidato ang iboboto sa balota. Ang 40 mga kandidatong makakakuha ng pinakamaraming boto ang ihahalal.

Mga Konstituwensya ng Magkakaibang Industriya

Komposisyon at alokasyon ng mga puwesto ng 28 na mga FC
Mga FC Mga Puwesto Komposisyon ng mga Manghahalal
Mga Indibidwal Mga Institusyon
1 Heung Yee Kuk 1
2 Agrikultura at pangingisda 1
3 Pagseseguro 1
4 Transportasyon 1
5 Edukasyon 1
6 Ligal 1
7 Accountancy 1
8 Mga serbisyong medikal at pangkalusugan 1
9 Pang-enhinyero 1
10 Pang-arkitektura, pag-survey, pagpaplano at landscape 1
11 Paggawa 3
12 Kapakanang Panlipunan 1
13 Pang-ari-arian at konstruksyon 1
14 Turismo 1
15 Komersyal (una) 1
16 Komersyal (pangalawa) 1
17 Komersyal (pangatlo) 1
18 Pang-industriya (una) 1
19 Pang-industriya (pangalawa) 1
20 Pananalapi 1
21 Mga serbisyong pinansyal 1
22 Palakasan, sining sa pagtatanghal, kultura at paglalathala 1
23 Pag-import at pag-export 1
24 Mga tela at damit 1
25 Negosyong bultuhan at tingi 1
26 Teknolohiya at inobasyon 1
27 Pagtustos ng Pagkain 1
28 Mga kinatawan ng HKSAR sa Pambansang Kongresong Bayan, mga miyembro ng HKSAR sa Pambansang Komite ng Chinese People's Political Consultative Conference (“CPPCC”), at mga kinatawan ng mga kaugnay na pambansang organisasyon 1
Kabuuan 30

Nominasyon at Pagkandidato

  • Lahat ng rehistradong mga manghahalal ng GC na may edad 21 o pataas na karaniwang naninirahan sa Hong Kong sa loob ng 3 taon bago ang nominasyon; at mga rehistradong manghahalal ng mga kaugnay na FC o may matatag na koneksyon sa naturang FC ay maaaring maging nominado bilang mga kandidato.
  • Dapat matugunan ng mga kandidato ang sumusunod na dalawang pamantayan:

    1. Maging nominado ng hindi bababa sa 10, ngunit hindi hihigit sa 20 manghahalal ng kani-kanilang FC; at
    2. Maging nominado ng hindi bababa sa 10, ngunit hindi hihigit sa 20 mga miyembro ng EC, kabilang ang hindi bababa sa 2 ngunit hindi hihigit sa 4 na mga miyembro mula sa bawat isa sa 5 mga sektor ng EC.

  • Ang isang manghahalal ng FC, sa kanyang kapasidad bilang isang manghahalal ng FC, ay may karapatang magnomina ng 1 kandidato lamang para sa kanyang sariling FC (o hanggang 3 form ng nominasyon sa kaso ng FC sa Paggawa).
  • Ang isang miyembro ng EC, sa kanyang kapasidad bilang miyembro ng EC, ay may karapatang magnomina ng 1 kandidato lamang para sa isang halalan ng FC.

Botohan

  • Ang sistemang pagboto na “first past the post” ay ipinatupad sa mga halalan ng FC. Sa 28 mga FC, bukod sa mga manghahalal ng FC sa Paggawa na maaaring bumoto ng hanggang 3 kandidato, ang mga manghahalal ng natitirang 27 na FC ay maaari lamang bumoto ng 1 kandidato. Ang 3 kandidato na makakatanggap ng pinakamataas na bilang ng boto ng FC sa Paggawa ang siyang ihahalal. Ang kandidato na makakatanggap ng pinakamataas na bilang ng boto sa bawat isa sa iba pang mga FC ang siyang ihahalal bilang miyembro para sa kani-kanilang FC.

Heograpikal na mga Konstituwesya

  • Ang mga teritoryo ng Hong Kong ay hahatiin sa 10 mga GC. Ang bawat konstituwensya ay dapat maghalal ng 2 Miyembro. Ang 10 mga GC ay nasa ibaba:
Pangalan ng mga GC Kodigo ng GC
Hong Kong Island East LC 1
Hong Kong Island West LC 2
Kowloon East LC 3
Kowloon West LC 4
Kowloon Central LC 5
New Territories South East LC 6
New Territories North LC 7
New Territories North West LC 8
New Territories South West LC 9
New Territories North East LC 10

Nominasyon at Pagkandidato

  • Lahat ng rehistradong mga manghahalal ng GC na may edad 21 o pataas na karaniwang nanirahan sa Hong Kong sa loob ng 3 taon bago ang nominasyon ay maaaring maging nominado bilang mga kandidato.
  • Dapat matugunan ng mga kandidato ang sumusunod na dalawang pamantayan:

    1. Nominado ng hindi bababa sa 100, ngunit hindi hihigit sa 200 manghahalal ng kani-kanilang GC; at
    2. Nominado ng hindi bababa sa 10, ngunit hindi hihigit sa 20 mga miyembro ng EC, kabilang ang hindi bababa sa 2 ngunit hindi hihigit sa 4 na miyembro mula sa bawat isa sa 5 mga sektor ng EC.

  • Ang isang manghahalal ng GC, sa kanyang kapasidad bilang isang manghahalal ng GC, ay may karapatang magnomina ng 1 kandidato lamang para sa kanyang sariling GC.
  • Ang isang miyembro ng EC, sa kanyang kapasidad bilang miyembro ng EC, ay may karapatang magnomina ng 1 kandidato lamang para sa isang halalan ng GC.

Botohan

  • Ang sistemang pagboto na "double seats and single vote" ay ipinatupad. Ang bawat manghahalal ng isang GC ay maaaring bumoto ng 1 kandidato. Ang 2 kandidato na makakakuha ng pinakamaraming mga boto sa bawat GC ang ihahalal.

Saan Boboto

  • • Maliban sa mga manghahalal ng ECC, ang bawat manghahalal o awtorisadong kinatawan ay boboto para sa heograpikal na konstituwensya at konstituwensya ng magkakaibang industriya (kung naaangkop) sa itinalagang ordinaryong istasyon ng botohan malapit sa kanyang tirahan na nakarehistro sa Pinakaganap na Rehistro ng mga Manghahalal.
  • • Ang mga manghahalal o awtorisadong kinatawan na nakakulong ay isasaayos upang bumoto sa mga nakatalagang istasyon ng botohan sa mga bilangguan o istasyon ng pulisya kung naaangkop.
  • • Ang isang kard ng botohan na nagpapakita ng impormasyon tungkol sa itinalagang istasyon ng botohan ng isang indibidwal na manghahalal o awtorisadong kinatawan ang ibibigay sa mga manghahalal o awtorisadong kinatawan hindi lalampas sa 10 araw bago ang araw ng botohan (hindi lalampas sa ika-27 ng Nobyembre 2025).
  • • Kung ang istasyon ng botohan na itinalaga para sa isang manghahalal o awtorisadong kinatawan ay mapupuntahan ng mga gumagamit ng wheelchair o mga taong may kahirapan sa pagkilos ay tutukuyin sa iAM Smart at sa mapa ng lokasyon na nakalakip sa kard ng botohan. Kung ang naturang manghahalal o awtorisadong kinatawan ay nahihirapang makapunta sa itinalagang istasyon ng botohan, maaari silang mag-apply sa Tanggapan ng Pagrehistro at Halalan upang bumoto sa espesyal na istasyon ng botohan na itinalaga para sa parehong heograpikal na konstituwensya kung saan siya ay may karapatang bumoto sa pamamagitan ng fax (2891 1180). ), sa pamamagitan ng email (reoenq@reo.gov.hk), sa pamamagitan ng telepono (2891 1001) o sa pamamagitan ng koreo (8/F, Treasury Building, 3 Tonkin Street West, Cheung Sha Wan, Kowloon) nang hindi lalampas sa ika-2 ng Disyembre 2025.
  • • Kung ang mga manghahalal ay nangangailangan ng tulong sa interpretasyon sa impormasyon ng botohan, maaari nilang tawagan ang Sentro para sa Etniko Minoya (“CHEER”) sa pamamagitan ng mga sumusunod na hotline mula ika-24 hanggang ika-28 ng Nobyembre 2025, at simula ika-1 hanggang ika-7 ng Disyembre 2025.

    Wika Numero ng Hotline
    Bahasa Indonesia 3755 6811
    Hindi 3755 6877
    Nepali 3755 6822
    Punjabi 3755 6844
    Tagalog 3755 6855
    Thai 3755 6866
    Urdu 3755 6833
    Vietnamese 3755 6888

Espesyal na Pila para sa mga Manghahalal na may Pangangailangan

  • Ang mga manghahalal at awtorisadong kinatawan lamang ang pinapayagang makapasok sa isang istasyon ng botohan upang bumoto.
  • Sa ilalim ng prinsipyong "patas at pantay na pagtrato", ang mga manghahalal ay kailangang pumila para bumoto. Ang mga manghahalal o awtorisadong kinatawan na nangangailangan ng tulong mula sa iba para sa pagpasok sa isang istasyon ng botohan ay maaaring humiling sa Namumunong Opisyal.
  • Kapag natukoy ng Namumunong Opisyal na ang isang tao na dumating sa, o naroroon sa, istasyon ng botohan para bumoto ay nakatugon sa pagkakalarawan sa ibaba, ang Namumunong Opisyal ay maaaring patuluyin kaagad ang tao sa itinalagang lugar o sa pinakaharap ng pila kung may pila na humahaba mula sa lugar na iyon, upang mag-apply para sa balota —

    • sinumang hindi bababa sa 70 taong gulang*;
    • sinumang nagdadalang-tao; o
    • sinumang hindi makapila ng matagal o nahihirapang pumila dahil sa karamdaman, pinsala, kapansanan o umaasa sa mga kagamitan sa pagkilos.

    * Kabilang ang may dokumentong nagpapakita ng taon ng kapanganakan, nang walang buwan at/o araw ng kapanganakan, ng tao na 70 taong mas matanda kaysa sa taon kung kailan nakatugon ang araw ng botohan (na nasa o bago ang 1955)

  • Ang Namumunong Opisyal ay magtatalaga din ng isang lugar na mauupuan sa loob ng istasyon ng pagboto para sa mga manghahalal na nabanggit sa itaas o awtorisadong kinatawan upang magpahinga, kung gugustuhin nila. Pagkatapos magpahinga, maaari silang pumila sa kahabaan ng espesyal na pila bago alalayan sa mga mesa na nag-iisyu ng balota para mag-apply ng (mga) balota.
  • Batay sa mga prinsipyo ng kalayaan ng pagboto at paglilihim ng mga boto, ipinagbabawal ng batas ang sinuman (kahit na siya ay kamag-anak o kaibigan ng botante) na samahan o tulungan ang botante o ang awtorisadong kinatawan na bumoto. Ang isang botante o isang awtorisadong kinatawan na nahihirapan sa pagmamarka ng balota nang kanyang sarili ay maaaring, alinsunod sa batas, hilingin sa Namumunong Opisyal o kinatawan na markahan ang papel ng balota sa kanyang ngalan ayon sa kanyang kagustuhan sa pagboto, sa presensya ng isang kawani ng botohan bilang saksi. Ang Namumunong Opisyal ay pinahintulutan na gumamit ng pagpapasya, kung naaangkop, upang payagan ang mga kasamang tao na gamitin ang espesyal na pila kasama ang mga botante na may tunay na pangangailangan na masamahan ng iba.

(Mga) Dokumento na Kinakailangan para sa Pagkolekta ng Balota

  • Sa ilalim ng umiiral na batas, ang isang botante o isang awtorisadong kinatawan na nag-aapply para sa isang balota ay dapat magpakita ng orihinal ng kanyang HKID card o ang sumusunod na tinukoy na alternatibong (mga) dokumento:

    • ang orihinal ng isang balidong Pasaporte ng HKSAR; o
    • ang orihinal ng Sertipiko ng Eksemsyon; o
    • ang orihinal ng isang pagkilala ng aplikasyon para sa HKID card; o
    • ang orihinal na balidong seaman’s identity book; o
    • ang orihinal na balidong dokumento ng pagkakakilanlan ng tao para sa mga layunin ng visa; o
    • isang dokumentong nagpapatunay ng isang ulat sa isang opisyal ng kapulisan tungkol sa pagkawala o pagkasira ng HKID card ng tao o ang Sertipiko ng Eksemsyon o ang pagkilala ng aplikasyon para sa HKID card (karaniwang tinutukoy bilang "isang palibot-liham ng nawalang ari-arian"), kasama ang orihinal ng isang balidong pasaporte* o katulad na dokumento sa paglalakbay (hal. isang pasaporte maliban sa kanyang HKSAR na Pasaporte o ang Home Return Permit) na nagpapakita ng kanyang pangalan at larawan.
      * Ang pasaporte ng British National (Overseas) ay hindi balidong dokumento sa paglalakbay at patunay ng pagkakakilanlan.

  • Para sa mga detalye, mangyaring sumangguni sa Seksyon 50 ng Regulasyon ng Komisyon sa Usaping Panghalalan (Pamamaraan ng Halalan) (Batasang Konseho) (Cap. 541D).

Paalala para sa Mga Manghahalal/Awtorisadong Kinatawan

  • Ayon sa Ordinansa ng Halalan (Tiwali at Iligal na Pag-uugali) (Cap. 554) na ipinapatupad ng Malayang Komisyon Laban sa Katiwalian (“ICAC”), ang isang manghahalal o isang awtorisadong kinatawan ay HINDI DAPAT magsagawa ng mga sumusunod na gawain sa loob ng Hong Kong o sa ibang lugar:

    • Sinasadyang hadlangan at pigilan ang sinumang tao na bumoto sa isang halalan. Hikayatin ang ibang tao na huwag bumoto o bumoto ng di-wasto sa isang halalan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng anumang gawain sa publiko sa panahon ng halalan.
    • Bumoto sa isang halalan na alam na hindi siya karapat-dapat na gawin ito; o bumoto sa isang halalan pagkatapos na sadyang o walang ingat na magbigay ng materyal na hindi totoo o mapanlinlang na impormasyon (hal. maling adres ng tirahan) sa isang opisyal ng halalan.
    • (Maliban sa hayagang pinahihintulutan ng batas sa halalan) Mag-aplay para sa isang balota sa pangalan ng ibang tao o, pagkatapos makaboto sa isang halalan, mag-aplay sa parehong halalan para sa isang balota sa sariling pangalan ng tao.
    • Walang ligal na awtoridad, magbigay ng balota sa ibang tao; sirain o wasakin ang balota.
    • Gumastos sa halalan para sa isang kandidato sa isang halalan nang hindi pinahihintulutan sa sulat ng kandidato bilang ahente ng gastusin sa halalan.
    • Maglathala ng isang lubhang mali o mapanlinlang na pahayag ng katotohanan tungkol sa isang partikular na kandidato o partikular na mga kandidato sa isang halalan.
    • Maglathala ng isang patalastas ng halalan na kinabibilangan ng suporta mula sa sinumang tao o organisasyon nang walang paunang nakasulat na pahintulot mula sa sumusuportang tao o organisasyon.

  • Ang ICAC ay bumuo ng Websayt ng Malinis na Halalan (www.icac.org.hk/elections) upang magbigay ng mga sangguniang materyales at impormasyon sa mga programa sa pahayagan para sa mga stakeholder ng halalan.

  • Ang mga sumusunod na gawain ay ipinagbabawal din sa isang istasyon ng botohan:

    • Makipag-ugnayan sa ibang mga botante o awtorisadong kinatawan kabilang ang pagpapakita ng kanyang boto sa balota sa iba o gumamit ng mga celphone o anumang iba pang aparato para sa elektronikong komunikasyon.
    • Pagkuha ng eksena, kumuha ng litrato o gumawa ng anumang pagrekord sa audio o video.
    • Hilingin sa ibang mga botante o awtorisadong kinatawan na markahan ang kanyang balota. Kung kinakailangan, ang mga botante o awtorisadong kinatawan ay maaaring, alinsunod sa batas, humiling sa Namumunong Opisyal na markahan ang kanyang balota sa presensya ng isang opisyal ng botohan.
    • Manghimasok sa ibang mga botante o awtorisadong kinatawan sa kanilang pagboto.